Linggo, Agosto 4, 2013

Kamulatan sa kariktan

Isang bukang liwayway at malamig ang simoy ng hangin na 
para bang yumayakap at nagtatali sa buong paligid ng tahanan.Tahimik ang paligid at tanging maririnig ay ang pag-iyak ng isang batang bagong silang. may saya at ngiti sa bawat kasapi ng pamilya,sa tawa'y luha ang pumatak sa mata ng ina.ngunit isang umaga'y sumiwalat sa pamiya ang isang trahedyang puno ng piligro at kaba ang buong pamilya na tila baga'y huminto ang oras.Nangangatal ang labi na tila bagay naiipon ang kaba at pagkataranta na makita nya ang sanggol na tahimik, nangingitim at para bagang hindi humihinga.wari ng mga kapit bahay na patay na ang bata na sya namang sumubok sa katatagan ng ina. Kahit salat sa salapi ay sinugod ng ina ang bata sa pinakamalapit na pagamutan hindi nito alintana ang kanyang kasuotan at kung ano ang susunod na mangyayari,pinipilit nitong tibayan ang kanyang loob at magbingibingihan sa sinasabing negatibo ng mga taong nakapaligid sa kanya.Ngunit isang himala ang naganap na masasabing sa tulong at awa ng Diyos ay pinagkalooban nito ang bata na mabuhay pa sa mundo. Buhat ng mga trahenyang naganap ay unti unti namang nakaraos sa pagdurusa ang pamilya at muling sinuong ang panibagong bukas.dumaan ang mga taon ay naging maayos ng muliu ang pamumuhay ng pamilya muling nagkaroon ng saya at ngiti sa bawat labi, Naging normal na nga ang lahat, Isang umaga'y kasabay ng maaliwalas na pagsikat ng araw ang ngiti sa batang lalaki habang naglalaro at naghahabulan, kwentuhan at biruan sa ilalim ng puno sa katanghalian at larong taguan naman sa gabi habang kabilugan ng buwan.puno ng saya ang buhay na makulay sa piling ng mga mahal sa buhay. Wala nang mahihiling pa kundi ang magpasalamat sa Ama.Ngayon ako'y malaki na naiwan ko na ang mga bagay na doon ay mahalaga ngunit ang mga  alaalang nakalipas ay mananatiling sariwa sa aking isipan at ito'y di kukupas. Nakakalungkot man ay kailangang tanggapin ang katotohanang na ako'y malaki na at magpapaalam na sa aking pagkabata at mula ngayo'y buong tapang at lakas loob ko namang tunguhin ang daan sa aking hinaharap.                             

  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento